Saturday, November 12, 2016

Nakakatulong ba ang Internet at Social Media sa ating Pag-aaral?

            Sa panahon ngayon, malaking tulong ngayon ang internet at social media sa ating mga buhay. Ito ay ginagamit pang komunikasyon sa iba’t ibang tao kung saan man sila sa mundo. Ngunit nakakatulong ba to sa ating pag-aaral? O isa tong distraksyon para hindi makapagpokus sa ating pagaaral?


Bilang isang estudyante,isang napakalaking tulong ang internet at social media sa aking pag-aaral madali kumuha ng iba’t ibang impormasyon, hindi kagaya ng dati na hahanap ka ng isang libro sa silid aklatan para magawa mo ng iyong takdang aralin.

Madaming tao ngayon ang may social media account. Madalas ang kabataan ngayon may facebook,twitter, Instagram, at iba pa. Itong mga websites ay ang istandard na pang komunikasyon sa bawat tao o grupo. Mabilis tayo maimpluwensyahan sa ating mga binabasa o nakikita sa mga social media websites. Kailangan nating magingat  ngunit may mga balita na nakakapagloko ng tao kagaya ng mga ibat na websites na gumagawa ng sariling balita.

Ang pag gamit ng internet at social media ay depende sa kung san mo sya gagamitin. Kailangan lang natin ng limitasyon para hindi maging isang masamang dulot ito. Kung gagamit ka ng internet, unahin muna ang mga may kinalaman sa pag-aral natin bago ang mga social media websites.

Huwag natin gawin ng ibang tao na unahin natin ang mga social media bago ang atin pag-aaral. Oo, pwede magtanong ng mga takdang aralin sa paggamit ng social media, pero tapusin natin ang mga takdang aralin bago tayo magpuyat dahil sa pagbasa ng ibat ibang bagong kwento na nasa social media.