Sa panahon ngayon, malaking tulong ngayon ang
internet at social media sa ating mga buhay. Ito ay ginagamit pang komunikasyon
sa iba’t ibang tao kung saan man sila sa mundo. Ngunit nakakatulong ba to sa
ating pag-aaral? O isa tong distraksyon para hindi makapagpokus sa ating
pagaaral?
Bilang isang estudyante,isang
napakalaking tulong ang internet at social media sa aking pag-aaral madali kumuha
ng iba’t ibang impormasyon, hindi kagaya ng dati na hahanap ka ng isang libro sa
silid aklatan para magawa mo ng iyong takdang aralin.
Madaming tao ngayon ang may
social media account. Madalas ang kabataan ngayon may facebook,twitter,
Instagram, at iba pa. Itong mga websites ay ang istandard na pang komunikasyon
sa bawat tao o grupo. Mabilis tayo maimpluwensyahan sa ating mga binabasa o
nakikita sa mga social media websites. Kailangan nating magingat ngunit may mga balita na nakakapagloko ng tao
kagaya ng mga ibat na websites na gumagawa ng sariling balita.
Ang pag gamit ng internet at
social media ay depende sa kung san mo sya gagamitin. Kailangan lang natin ng
limitasyon para hindi maging isang masamang dulot ito. Kung gagamit ka ng
internet, unahin muna ang mga may kinalaman sa pag-aral natin bago ang mga
social media websites.
Huwag natin gawin ng ibang tao na
unahin natin ang mga social media bago ang atin pag-aaral. Oo, pwede magtanong
ng mga takdang aralin sa paggamit ng social media, pero tapusin natin ang mga
takdang aralin bago tayo magpuyat dahil sa pagbasa ng ibat ibang bagong kwento
na nasa social media.
No comments:
Post a Comment